1.03.2011

bakit ngayon?

Dati, pag nalulungkot ako pupunta lang ako sa Robinsons Galleria or Megamall kahit window shopping lang ang gagawin ko masaya na ako at extended pa ang happiness ko kinabukasan pag may uwi akong paper bag galing sa mall. Matagal ang epekto nun, matagal ulit bago ako malungkot. Bakit ngayon nabili ko na yung mga gusto ko pero malungkot pa din ako?

Dati, pag nalulungkot ako kakain lang ako ng chocolate okay na ko. Bakit ngayon ang dami ko ng nakain na chocolates pero hindi pa din ako okay?

Dati, makapag out of town lang ako ng kahit 2 days nag uumapaw na ko sa energy pag balik. Bakit ngayon nakakailang out of towns na ko hindi man lang na-increase yung energy ko?

Dati, magkaron lang ako ng addition nakakalimutan ko lahat ng frustrations ko. Bakit ngayon may mga na-add nga pero walang epekto sa nararamdaman ko?

Dati, overnight lang itinatagal ng nararamdaman ko kinabukasan parang walang nangyari. Bakit ngayon ang tagal tagal lumipas nito?

Dati, kaya kong sarilinin yung sakit kasi magaan lang sa loob. Bakit ngayon hindi ko na kaya parang bigat bigat na?

Hindi naman siguro masamang humingi ulit, sana mapagbigyan pa ako..

for this year

hinihintay pa din kita.. sa ngayon ikaw na lang ang kulang, pag dumating ka masayang masaya na ako. Sana "ikaw" na, sana dumating ka na...