8.10.2007
finally nasabi ko rin!
Sana ako din makaabot ng 4 years or more as blogger, I love writing isa yun sa mga passion ko kaso hindi ko na nga lang nagagawa because I have more important priorities like school (before) and now yung work, I don't know pero hindi ko naman pinagsisisihan na Marketing ang kinuha kong course in college instead of journalism/comm arts, as I can see kasi there are more opportunities in the field of business/marketing inisip ko lang talaga si mama nung time na nagdedecide na ko what course to take up in college pero siguro if we're filthy rich malamang writer na ko ngayon (how I wish super yaman nga kami at writer na ako!) I'm not saying naman na hindi rin money making ang pagsusulat pero talaga lang ewan ko basta! Kaya nga in my own little way like this (blogging) nailalabas ko yung passion ko for writing I would like to assume na eto yung sinasabing God-given talent ko kasi even before hindi ko alam kung ano ba talaga interest ko and kung meron nga ba kong talent kahit konti hehe. I just realized last night (hehe ang tgal noh bago ko na-realize) aside from "my passion" (cge passion) through this I can fully express myself I'm not the type kasi na I would go to friends and burst everything out! even to my bestest friend "fanget" hindi ko nasasabi lahat though we promised to be a "human diary" to each other. I like keeping things to myself, I'm afraid to be misunderstood, judged though I know my friends won't do that to me but still I have that fear. Aside from that nauudlot kasi ang mga bagay bagay kapag inuunahan ng kwento kaya talagang I keep my mouth shut most of the time. I just hope my friends don't find it selfish of me for not opening up myself to them, nahihiya kasi ako minsan kahit super tagal ko nang kilala yung tao like yung mga kababata ko. Siguro to better explain that..I grew up kasi na walang kapatid and raised by my mama all by herself (iyakan na ba to? hehe) so kaya siguro I'm not so comfortable sharing my stories to my friends, meron din nman akong naiikwento but not all nga lang unlike one of my bestfriends A na lahat n yata naikwento sken (which I'm glad naman kasi she trusts me) sana gaya rin nya ko para hindi na ko nahihirapan minsan. Masakit din nman tlga sa loob kapag hindi mo masabi nasa loob mo..eh choice ko rin yun eh so I have to take the consequences.. haaayy.. ang haba na ulit ng naisulat ko dito.. tama na nga next time ulit kasi I'm about to leave na I mean uuwi nko. =)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment