2 cuts.. ouch!
Ouch! my middle finger in my left hand and thumb in the right hand -- injured! the first one sa middle finger nagkaron sya ng cut because of a staple wire the other one sa thumb dahil sa alambre. Grabe super disaster talaga pag nasa bahay ako hindi ko alam kung clumsy lang ba talaga ako o dahil maliit lang talaga yung bahay namin. Haayy. hanggang ngayon ang sakit nya! ang hirap kapag naliligo masakit kasi kapag nababasa.. huhuhu.
Sept. 8, Saturday
After CB exam, we (Jane and Amie) went to Edsa Shrine Church supposedly to hear mass but we missed it (I think) so we just stayed inside the church for a while and prayed, it was Mama Mary's birthday. We all feel sleepy but don't want to go home yet so we just watched A Love Story (finally!), it was worth it.. Jane cried, I almost cry while Amie didn't cry at all (nakakaiyak naman yung ibang scenes lalo na pag si Maricel na yung umiiyak ewan ko dun kay Amie hindi sya na moved sa mga scenes) hehe.
Finally I got a copy of Eternal Sunshine of the Spotless Mind vcd, kung kani kanino na ko nagtanong ng vcd or dvd nun pero lahat wala! medyo luma na kasi yung movie. Super thank you sa videocity meron silang copy!! hehe. According to my super idol maganda daw yung movie but when I watched it aayy.. di ko masyadong na-appreciate hehe.
I'm learning!!!
First time kong magluto ng may sabaw hehe. I cooked pork adobo!! yehey!! pagkain naman yung niluto at naging adobo naman talaga sya hehe. Before kasi mag-fry lang alam ko this time nag-effort na ko na matutong magluto and hopefully magtuluy tuloy na sya. Feeling ko super achievement na yun (though sa iba super dali lang naman nun), happy na ko na may natutunan akong bago. Ang unang nakatikim ng adobo ko..si Potchie!! haha. Nung pinatikim ko kay Mama ang comment nya.."maasim" (huh? hindi kaya! kanya kanyang panlasa lang yun hehe). Before ko naman matapos lutuin yun eh nakabasag ako ng bote ng soy sauce hehe. Nakailang tikim ako before ko pinatay yung apoy hehe baka kasi malfunctioning ang taste buds ko kaya I have to make sure hehe. Pero nung makita ko na mukha namang adobo yung niluto ko happy na ko.
Sept. 9, Sunday
As promised, nagsimba kami ni Mama sa Antipolo. When we got home, tulog konti tpos jackpot ulit kasi napanood ko na naman si Ellen!!! eto yung video nya kaloka! She's dancing to Chris Brown's RUN IT hehe. Pasensya na phone cam lang gamit ko eh kaya medyo magalaw =)
Just this morning..Monday
On my way to work.. I heard again this funny song, the lyrics goes something like..
"nakatikim ka na ba ng lupet na humahagupit?..naibala ka na ba sa kanyon?.. nabilangan ka na ba ng sampu?..nakakita ka na ba ng patay na muling nabuhay?.."
Yung intro nung song deceiving kala ko serious na yung tipong mapapa-haayy ako pero nung nagsimula ng kumanta yung singer ayun wala na! I'm not familiar with neither the title nor the artist of that song but whenever I hear that I can't help but be amused with it. I'm just wondering what/who inspired the composer to write that song? kakaiba eh..while listening to the lyrics inisip ko tuloy buti na lang hindi pa nangyayari sken yung mga sinasabi sa lyrics (wag naman sanang mangyari!) hehe.
No comments:
Post a Comment