11.05.2007

isang daang isla

Oct. 31 8:30 pm - Cubao.
Fanget, Amay, Princess and I.
dami ng tao! punuan ang victory liner, dagupan and five star at dahil dun no choice sumakay kami ng ordinary bus (hindi ko na matandaan yung bus liner basta "kolorum" yun!). Before pa kami makarating ng NLEX nagpalit pa ng gulong yung bus haaayy.. kolorum talaga! hehe. 10:30 pm na yata nung nakasakay kami, 5 hours ang byahe, isang beses lang ang stop over sa may Dau bus terminal, baba kami ni amie para bumili sa jollibee. Kala namin iniwan na kami nawala kasi yung bus yun pala umikot sa side ng jollibee, kinabahan kami ni amie super takbo..hingal na hingal tuloy kami pag akyat sa bus. 4am nung nakarating kami kina fanget, our 1st morning in Pangasinan.



Nov. 1 - Brgy. Laois, Labrador Pangasinan.
1st sunrise sa probinsya ni fanget. andun si "nanay at tatay" grandparents ni fanget sa mother side at yung uncle nya. pumunta kaming tabing ilog at tabing dagat na ilang tumbling lang mula kina jasmin, 1st time kong nakakita ng "tabsing" -- yan daw ang tawag sa nagdudugtong sa dagat at ilog. Low tide kaya nakapag-picture kami sa gitna ng ilog.


Sual market -- namili ng lulutuing ulam for dinner.


Nov. 2 - Hundred Islands.
1-hour travel from fanget's house--bus and tricycle. Pagdating ng Alaminos dun na kami sumakay ng small boat para sa aming island hopping. According kay fanget 99 islands na lang lumubog na yung isa dahil sa high tide at di na muling lumitaw pa. Anyway, out of 99
islands 4 lang ang pinuntahan namin (kumusta naman kung lahat yun pupuntahan mo di ba?). Children's island, Governor's island, Quezon island at yung private island kung saan dun nakatira yung bangkero. Hindi na kami naligo dahil magbabyahe pa kami by land nakakahiya naman sa makakatabi namin sa bus kung basa kami, wala namang pwedeng pagbihisan dahil nga island yun.
*** ang weird ng mga signage dun sa Panagsinan.. I don't know kung signage nga ang right term basta yung mga nakalagay sa let’s say dental clinic or pet clinic ang version nila dun is black and white tpos mukhang lapida kasi naman yung color nya ganon tapos yung font parang yung mga nasa sementeryo talaga, kaya nga akala ko may patay dun sa kalapit bahay nila fanget tpos pagbasa ko dental clinic pala hehe. Sayang di ko na-picturan! basta pag nagpunta kayo ng Pangasinan makakakita kayo nun. ***

Nov. 3 - back to Manila.
hanggang sa pagluwas ng Manila, ordinary bus ulit pero this time much better na kasi five star bus so medyo angat dun sa nasakyan namin nung papunta kami pero ordinary pa rin hehe. Anyway,, I had sooooo much fun, apart sa nakarating ako sa hundred islands at sa province ni jasmin mas na-enjoy ko yung magkakasama kaming 3 nina Amie. It was our 1st out of town together.

Mga Fanget! Thank you! Sana next time ulit. :)

No comments: